PACQ, may paalala sa mga kandidatong sasali sa SMNI Senatorial Debates

PACQ, may paalala sa mga kandidatong sasali sa SMNI Senatorial Debates

MAY paalala sa mga kandidatong sasali sa SMNI Senatorial Debates si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Sa kanyang programang Powerline ngayong araw ng Martes ay aminado si Pastor Apollo na may ilang kandidatong nag-aalinlangang sumalang sa SMNI Senatorial Debates.

Pero sa kabila nito ay ipinunto ng butihing Pastor na hindi dapat ipinaiiral ang takot sa puso lalo na’t kung ikaw ay nagnanais na maglingkod sa bayan bilang isang halal na opisyal.

‘’Kung ang tao ay matalino na mag solve ng problema, gumiginhawa ang bansa, kasi yung wisdom na yun ang kinakailangan natin. Hindi lang puro puso-puso. Ang daming puso pero wala namang utak. Tayong lahat may puso’t damdamin pero ang pamamahala ay hindi sa pamamagitan ng damdamin. Ang damdamin ay pumapangalawa lang yun. Kailangan utak ang gamitin, may wisdom. Kasi kung walang wisdom ang tao tapos mamumuno, delikado tayo,’’ ayon kay Pastor Apollo.

Ang SMNI Senatorial Debates ay gaganapin pa rin sa Grand Ballroom ng Okada Manila.

Inaasahan na mag-uumpisa ito bukas 7:00 ng gabi na mapapanood sa free tv, local cable channels, at social media accounts ng SMNI sa YouTube at Facebook.

Follow SMNI NEWS on Twitter