WALANG kaugnayan ang expose ng umano’y korupsiyon nina Senator Manny Pacquiao at dating Senator Antonio Trillanes IV.
Ito ang inihayag ni Presidential Adviser on Political Affairs Sec. Jacinto ‘Jing’ Paras sa panayam ng SMNI News.
“I don’t believe that Pacquiao will even consider Trillanes as his ally. Sinusuka ni Pacquaio ito eh kasi sobrang kayabangan ang mediocre na ‘to,” pahayag ni Paras.
Dagdag pa ni Paras, nilinaw naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nito isawalang-bahala ang inilantad na korupsiyon ni Pacquiao kung meron nang ebidensya.
Ngunit aniya, pawang mga kasinungalingan lamang ang kay Trillanes.
Naniwala din si Paras na kahit si Pacquiao ay hindi ikokonsiderang kaalyado si Trillanes.
“Hindi po hindi papansinin ni Manny Pacquaio ‘yan dahil muntik na nga upakan ni Pacquiao ‘yan sa Senado eh. Remember, binabastos niya si Pacquiao muntik nang upakan ‘yan ni Pacquaio so bakit papansinin ‘yan ni Pacquiao? Hindi totoo na may ugnayan ‘yang dalawa,” dagdag ni Paras.
Trillanes, dapat asikasuhin ang kinakaharap na mga kaso
Ayon kay Paras, dapat asikasuhin ni Trillanes ang kanyang mga kaso sa halip sa magbato ng mga kasinungalingan laban sa mga opisyal ng gobyerno.
Aniya, ang mga alegasyon ng korupsiyon na ibinabato ni Trillanes laban kay Pangulong Duterte ay matagal nang na-clear ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Binigyang-diin din ni Paras na wala nang naniniwala kay Trillanes kahit pa naghayag na itong tatakbo sa pinakamataas na posisyon ng bansa at ipinapakita aniya ito sa mga nakalipas na survey kung saan nangungulelat ang dating senador.
BASAHIN: Trillanes puro daldal lang hindi lumalaban sa debate —Duterte