NAIS pabayaran ni presidential candidate at Senator Manny Pacquiao ang P203-B na estate tax ng pamilya Marcos.
Ayon kay Pacquiao, ‘no one is above the law’.
Dagdag pa nito, dapat magbayad ng tax ang mga politiko.
Magugunitang nagkaroon din ng tax evasion case si Pacquiao na sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte hinggil sa kanyang mga laban sa boxing na umabot sa ₱2.2 billion.
Pinuna rin ni Pacquiao ang hindi pagpunta ni presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa debate ng Commission on Elections.
Aniya, feeling king and queen ang mga ito.