TINANGGAP ni Senator Manny Pacquiao ang hamon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pangalanan ang mga ahensya na may katiwalian sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Ito ang naging pahayag ni Senator Pacquiao matapos itong hamunin ni Pangulong Duterte dahil sa pagsabi nito na talamak ang katiwalian sa administrasyon.
Aniya, dapat silipin at busisiin ang Department of Health (DOH) mula sa mga biniling test kits, PPE, masks at iba pa.
Bukod pa rito, hinamon din ni Pacquiao si Duque na ipakita ang kabuuang ginastos para sa COVID-19 pandemic at saan napunta ang perang inutang ng gobyerno.
Ani Pacquiao, may mga pagkakamali siya pero hindi siya sinungaling o ‘di kaya ay tiwali.