NAGPADALA na ang Philippine Air Force (PAF) ng dalawang helicopters sa mga komunidad na apektado ng pag-alboroto ng Bulkang Kanlaon.
Nagsagawa ang mga ito ng aerial survey at lulan sa mga Black Hawk helicopter ang ilang eksperto mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), mga opisyal ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Negros Islands at Office of Civil Defense Region 6 at 7.
Sa pahayag ng PAF, maaari ding gamitin ang mga helicopter sa pagdala ng relief goods.
Alas tres ng hapon noong Disyembre 9, 2024 nang pumutok ang Bulkang Kanlaon.