Pag-aaklas vs PBBM, malabo –malapit na kaalyado

Pag-aaklas vs PBBM, malabo –malapit na kaalyado

PINAWI ng isang malapit na kaalyado ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang pangamba ng marami na baka magkaroon ng coup d’etat laban sa Punong Ehekutibo.

Ayon kay Atty. Alex Lopez ng Partido Federal ng Pilipinas at siyang mayoral bet ni Pangulong Marcos sa Maynila na may 3 dahilan kung bakit malabo ang pag-aaklas laban sa Pangulo.

Una, overwhelming ang mahigit 31-M na botong nakuha ni Pangulong Marcos sa eleksyon.

Pangalawa, walang nagawang paglabag ang Pangulo sa democratic constitution para maging basehan ng coup d’etat sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

At pangatlo, nanumpa ng katapatan sa bayan at Konstitusyon ang lahat ng opisyal ng AFP kaya malabo ang anggulo ng pag-aaklas.

Nanawagan naman si Lopez sa lahat ng men in uniform na suportahan ang Punong Ehekutibo at ang administrasyon bilang pagganap sa kanilang sinumpaang tungkulin sa bansa.

“We call on to our men in uniforms and all senior officers of the Armed Forces of the Philippines to remember their mandate under the 1987 Constitution, that their duty above all is to the State and the Filipino people, and the people is with the President,” ani Lopez.

Nauna nang umusbong ang isyu ng coup d’etat dahil sa umano’y destabilization plot at pagbibitiw ng lahat ng mga opisyal ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas dahil sa batas na nag-aatas ng fixed term sa AFP officers.

Follow SMNI NEWS in Twitter