HINDI tutol si Atty. Harry Roque sa pag-aangkat kung talagang may kakulangan gaya ng sibuyas.
Subalit sinabi ni Roque na hindi naman tama na kung kailan malapit na ang anihan ay mag-aangkat pa rin.
Bagamat nakakatulong sana ang importasyon para sa pagpapababa ng presyo ng mga bilihin, nananatili pa rin itong mataas dahil ang traders din mismo ang nagtatago o nagho-hoard ng supply.
Sila-sila lang ang kumikita ayon kay Roque.
Kaugnay nito, suportado ni Atty. Roque ang mungkahi ni Albay 2nd District Joey Salceda na ipasarado ang Subic Bay Freeport.
Ito’y dahil karamihan sa mga smuggled na produkto ay idinadaan sa Subic.
Naging suhestiyon din ni Roque na maaari ding palitan ang mga tao na namamahala sa Subic Bay Freeport.