Pag-aaral ng Chile at Turkey sa Sinovac, nagpapakita pa rin ng pagiging epektibo

Pag-aaral ng Chile at Turkey sa Sinovac, nagpapakita pa rin ng pagiging epektibo

BATAY sa bagong pag-aaral ng Chile at Turkey sa Sinovac, ay nagpapakita pa rin ang epektibo nito kontra COVID-19.

Inihayag ni Food and Drug Administration Director General Eric Domingo na buo pa rin ang tiwala ng Pilipinas sa bakunang Sinovac.

Ito ay sa kabila ng mga napababalita sa Indonesia at Thailand na libu-libong mga health worker ang nagpositibo sa COVID-19 kahit naturukan na ng Sinovac COVID-19 vaccine.

Ani Domingo, may mga pag-aaral na lumabas mula sa turkey noong nakaraan lingggo, kung saan sinabi nito na ang efficacy rate ng Sinovac ay 83-86% at maaaring makapigil ng severe condition at kamatayan.

“May lumabas din na pag-aaral galing Chile at ito milyun-milyon din ‘yung kanilang nabakunahan at nakita rin naman na ang kanyang prevention of COVID-19 ay 87.5% at ‘yung prevention of COVID-19 related deaths ay 86.3%,” ani Domingo.

Bukod pa rito, inihayag ni Domingo na ito ay mataas pa sa inaasahan ng bansa.

Nagsabi rin si Domingo na base sa World Health Organization (WHO), na epektibo pa rin ang mga bakunang ginagamit ng bansa kontra COVID-19 variants bagama’t bumababa ng bahagya ang efficacy rate ng mga ito.

 

SMNI NEWS