Pag-apela ng SolGen sa ICC, mali

Pag-apela ng SolGen sa ICC, mali

MALI ang ginawang pag-apela ng Office of the Solicitor General sa International Criminal Court (ICC) sa nais nitong imbestigasyon sa umano’y drug war sa Pilipinas sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito ang tahasang sinabi ni dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque sa kaniyang programa sa SMNI News.

Binigyang-diin ni Roque na hindi na dapat pansinin ang ICC dahil wala naman itong hurisdiksiyon sa Pilipinas.

Giit pa ni Roque, ang iniimbestigahan lang ng ICC ay mga indibidwal lamang at hindi ang estado o bansa kaya hindi dapat nag-apela ang SolGen na ang tanging mandato ay ang pagiging legal defender ng Republika ng Pilipinas dahil hindi naman akusado ang bansa.

Una na ring sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na posibleng hindi kakatigan ng ICC ang apela ng Pilipinas na isuspinde ang pagpapatuloy sa imbestigasyon sa drug war sa bansa.

Kaugnay nito, ikinagalit ni Roque ang ginawang hakbang ng SolGen dahil kung ito ay naniniwala na hindi papaboran ng ICC ang apela ng Pilipinas ay bakit pa ito nagbayad ng dayuhang abogado para sa depensa ng bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter