Pag-imbestiga sa reklamong pananaksak ni Gen. Bantag sa 2 preso, ipinaubaya ng DOJ sa BuCor

Pag-imbestiga sa reklamong pananaksak ni Gen. Bantag sa 2 preso, ipinaubaya ng DOJ sa BuCor

INAMIN mismo ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na wala sa kanyang prayoridad o hindi niya tinututukan ang reklamo ng dalawang Person Deprived of Liberty (PDLs) ng New Bilibid Prisons na dati umanong sinaksak ng ngayon ay suspendidong BuCor Chief na si Gerald Bantag.

Ipinaliwanag ni Remulla na ang mas nakakaalam kasi nito ay si Bureau of Corrections officer-in-charge Gregorio Catapang Jr.

Kaugnay nito ay ipinauubaya na umano ni Remulla kay Catapang ang mga dapat gawin sa mga makikitang anomalya sa loob ng BuCor.

Tiniyak pa ni Remulla na kumpiyansa at buo ang kanyang tiwala sa kakayahan ni Catapang na pamunuan ang BuCor dahil sa kanyang mga karanasan bilang dating pinuno ng Armed Forces of the Philippines.

Follow SMNI NEWS in Twitter