Pag-mix n’ match ng COVID-19 vaccines nagpapataas ng immunity vs. COVID-19 —FDA

Pag-mix n’ match ng COVID-19 vaccines nagpapataas ng immunity vs. COVID-19 —FDA

LUMABAS sa inisyal na mga pag-aaral ng ibang bansa na ang pag-mix and match ng mga COVID-19 vaccine ay nagpapataas ng immunity laban sa virus.

Ito ang sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo nang matanong ni Pangulong Rodrigo Duterte kung nakakalason ang pag-mix and match ng mga bakuna kontra COVID-19.

“No, sir, not in terms of toxicity. Hindi naman po ano. Ang preliminary studies in other countries actually show very encouraging na mukhang tumataas nga po actually ‘yong nagiging end effect na immunity ‘no at saka sa immune reaction po ng pasyente,” tugon ni Domingo sa tanong ni Pangulong Duterte.

Ani Domingo ang kasalukuyang ginawang pag-aaral sa ibang bansa ay ang paghalo ng bakuna na may iba’t-ibang platform.

“Sa ngayon po kasi usually po ang inaaral po na combination ngayon, Mr. President, is one class and then the second would be another.  For example, kung inactivated virus po like Sinovac or Sinopharm ‘yong first, baka ‘yong second dose po ibibigay ‘yong western vaccine like Pfizer and Moderna,” ayon pa kay Domingo.

Aniya sa pag-aaral na ginagawa, ang mga volunteer na allergic sa unang itinurok na bakuna ay binigyan ng ibang COVID-19 vaccine na may iba ring platform.

Nagawa na rin ito sa maraming indibidwal at grupo at positibo ang paunang resulta.

Dagdag ni Domingo nagpapatuloy pa sa ngayon ang pag-aaral at wala namang naitatalang namatay.

CAPTION: 5 bakuna, gagamitin ng DOST para sa “mix and match” clinical trial

SMNI NEWS