INIHAYAG ni Pastor Apollo C. Quiboloy na dapat ay tingnan kung ano ang magiging benepisyo ng BRICS, sapagkat kung ano man ang iniaalok ng mga makapangyarihang ekonomiya ay siguradong susuportahan ito ng tao kung makatutulong ito.
“Tingnan natin kung ano ang magiging epekto sa atin, kung makakatulong ba o hindi ang pag-usbong ng BRICS at multipolarity sa mundo,” pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy, The Kingdom of Jesus Christ.
Iyan ang inihayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ nang tanungin kung ano ang opinyon nito sa pagpasok ng mundo sa multipolar era.
Ang BRICS na binubuo ng Brazil, Russia, India, China, at South Africa ay nagtipon-tipon sa Johannesburg, South Africa mula pa noong Martes para sa ika-15 BRICS Summit.
“So malaki ito kasi 41% of the world’s population malaki ‘yun na nasasakop ng BRICS, 31.5 percent of global gross domestic product, malaki ‘yun, and 16 percent of global trade. So let us see how it will come out and it will be in the order where people would rally to it or would reject it, so according to the common good that it might bring to the world,” dagdag ni Pastor Apollo.
Ayon sa butihing Pastor, kung maganda ang magiging epekto nito ay susunod ang tao rito lalo na at isinusulong ng samahan ang New Development Bank na balak namang tapatan ang dolyar ng Amerika.
“‘Yung tao kasi kung anuman ang lumilitaw na kapangyarihang ganyan, ang iniisip ng tao kung ano ang magiging epekto para sa kanila, kung ang epekto nito ay maganda, didikit ang tao diyan. Kasi may maihahambing na sila, ngayon unipolar America ang pinakamakapangyarihan sa lahat, gumagana sa buong mundo, ito emerging ano ang ma i-offer nito na iba sa na i-offer na nito, tingnan natin sa mga susunod na panahon,” diin ng butihing Pastor.
Ayon pa kay Pastor Apollo, palaging tinitingnan ng tao kung malaki ang maitutulong nito sa kaniyang bansa, pamumuhay at sa kaniyang sarili.
“Will it help me or not help me? Will it promote me or not promote me? Will it be profitable for me or not? Whatever it is that these powers are offering to the world, it always redounds to the thinking of how it will be profitable for me, for my country, for me personally? How it can be profitable for me. How can it progress me? Iyon palagi ang nasa utak ng tao,” ani Pastor Apollo.
Matatandaan na ipinanawagan ni Chinese President Xi Jinping ang pagpapalawak ng BRICS at pagtatatag ng patas at maayos na international order.
Ang BRICS Summit ay dinaluhan ng mga lider na kasapi rito maliban na lamang kay Russian President Vladimir Putin na nagpadala ng kinatawan nito na si Foreign Minister Sergei Lavrov.