Pag-water cannon sa barko ng Pilipinas, dapat na idulog sa UNCLOS—dating SC Justice

Pag-water cannon sa barko ng Pilipinas, dapat na idulog sa UNCLOS—dating SC Justice

HINIKAYAT ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang pamahalaang Pilipinas na dalhin na sa United Nation Convention of the Law of the Sea (UNCLOS) ang huling insidente ng pambobomba ng tubig ng Chinese Coast Guard (CCG) sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ni Justice Carpio na ito lamang ang legal na hakbang na maaaring gawin ng Pilipinas upang pigilan ang China sa sunod-sunod na pangha-harass at ang UNCLOS lang aniya ang tamang venue upang igiit ng Pilipinas ang ating soberaniya.

Hindi rin aniya dapat maduwag ang ating bansa dahil nakikita ng International community kung papaanong harassment ang ginagawa ng mga Tsino sa West Philippine Sea (WPS).

Samantala, nauna nang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mahigit na sa 100 na diplomatic protest ang naisampa ng pamahalaan ng Pilipinas laban sa China dahil sa mga mararahas na aksiyon nito laban sa mga sasakyan pandagat ng bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble