Singapore Minister for Foreign Affairs, nakatakdang bumisita sa Pilipinas sa susunod na linggo

Singapore Minister for Foreign Affairs, nakatakdang bumisita sa Pilipinas sa susunod na linggo

NAKATAKDANG bumisita sa Pilipinas si Singapore Minister for Foreign Affairs Dr. Vivian Balakrishnan mula Abril 15-17, 2024.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na makikipagpulong si Secretary for Foreign Affairs Enrique A. Manalo kay Foreign Minister Balakrishnan upang talakayin ang mga paraan na higit pang magpapalakas sa relasyon ng Pilipinas at Singapore.

Gayundin ang magpalitan ng usapin hinggil sa regional at international developments.

Ang pagbisita ni Foreign Minister Balakrishnan ay kasunod sa matagumpay na pagpupulong ng 6th Informal-Consultations on the Philippine-Singapore Action Plan (IC-PSAP) noong Pebrero 2024.

Ang kasalukuyang pagbisita ay inaasahang bubuo sa mga natamo ng IC-PSAP at plano para sa mga pakikipag-ugnayan sa hinaharap habang ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa ay patuloy na lumalalim.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter