PAGASA: 7 lugar sa bansa posibleng maranasan ang ‘danger level’ heat index ngayong araw

PAGASA: 7 lugar sa bansa posibleng maranasan ang ‘danger level’ heat index ngayong araw

NAGBABALA ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaaring maranasan ngayong araw, Marso 28, 2025, sa pitong lugar sa bansa ang ‘danger level’ heat index na nasa pagitan ng 42 hanggang 46 degrees Celsius.

Ang mga ito ay ang:

  • Dagupan City, Pangasinan: 46°C
  • General Santos City, South Cotabato: 43°C
  • Aparri, Cagayan: 42°C
  • Tuguegarao City, Cagayan: 42°C
  • Cubi Point Subic Bay, Olongapo City, Zambales: 42°C
  • Sangley Point, Cavite City, Cavite: 42°C
  • Cuyo, Palawan: 42°C

Ang heat index na nasa pagitan ng 42 degrees Celsius at 51 degrees Celsius ay itinuturing na mapanganib.
Ito’y dahil maaaring makaranas ng heat cramps at heat exhaustion ang isang tao at may posibilidad pang magkaroon ng heatstroke kung matagal na na-expose sa init.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling hydrated, limitahan ang mga aktibidad sa labas, at iwasan ang matagalang pagkaka-expose sa araw upang maiwasan ang mga sakit na dulot ng matinding init.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble