Dagupan City Mayor Belen Fernandez, ipinaliwanag kung bakit “Sulong Dagupan” ang tema ng kaniyang SOCA

Dagupan City Mayor Belen Fernandez, ipinaliwanag kung bakit “Sulong Dagupan” ang tema ng kaniyang SOCA

SA talumpati ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez sa kaniyang State of the City Address (SOCA), walang duda ang tuloy-tuloy na paglago ng Lungsod ng Dagupan.

Isa aniya sa mga katibayan nito ay ang pagkamit ng Dagupan City sa pang-siyam na puwesto sa 116 na local government units  (LGUs) sa Most Improved LGUs in the Philippines at pang-labing dalawa ang lungsod sa overall government efficiency noong 2024.

“Without doubt, Dagupan continues to grow and expand. The Department of Trade and Industry gave us a glowing report through the cities and municipalities competitiveness index that Dagupan landed ninth spot out of 116 of the Most Improved LGU in the Philippines and number 12 in the overall government efficiency noong 2024,” ayon kay Mayor Fernandez.

Sa isang panayam ng DZRD 981 Sonshine Radio, ipinaliwanag ni Mayor Fernandez ang kahulugan ng pamagat na “Sulong Dagupan” sa nakaraan nitong SOCA.

“We have to move on and fight for the city what is due to our people. Kailangan sumulong tayo, sulong,” saad ni Fernandez.

Pahayag ni Mayor, maraming mga katiwalian na nangyayari sa nakaraang administrasyon kagaya ng maling pamamahala ng pondo sa mga programa at proyekto ng lungsod. Kaya aniya, dapat na isulong at ipaglaban na hindi na ito maulit pa.

“Number one sa scholarship lang po, napakalaking problema maraming nasayang na pera kasi marami doon ang hindi taga-Dagupan and then maraming mga field na nakakalusot at meron ding mga bata na may pangalan pero hindi nakatanggap. So, ganun din wala naman akong nakitang masyado sa infrastructure sa flood mitigation, infrastructure sa education, and then if we talk of health services kaya kung napansin nyo halos 400% yata ang improvement ng health services dahil yung nadatnan ko medyo mahina na. Hindi lang po ‘yun, nakita ko yung mga ghost delivery grabe talaga yung mga kurapsyon dapat talagang ihinto,” aniya.

No corruption, ang pangunahing dahilan ng pag-angat ng ekonomiya ng Lungsod ng Dagupan—Mayor Belen Fernandez

Samantala, no corruption ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng ekonomiya ng lungsod ng Dagupan ayon kay Mayor Belen Fernandez.

Simula ng kaniyang pag-upo noong 2013, isinulong ni Mayor Fernandez ang no corruption sa pamamahala ng kaban ng bayan.

“Number one po no corruption. Kasi marami akong findings noon, nung ako’y umupo 2013 pero ayaw ko nang pag-usapan ‘yung iba kasi naayos ko na. Pero number one po talaga ‘pag walang kurapsyon, ang income automatically tataas. Imagine, noong umupo ako 500…hindi ako sure eh baka 560 plus, negative 30 plus pero noong bago ako umalis 1.1 bilyon ang economy. So, ngayon 1.4 bilyon ang economy. Simply lang po ‘yan, kinausap ko ang ating mga bookkeepers and accountant that was 2013 at parati nating ginagawa ‘yun. Ina-assure natin sa kanila na wala nang kurapsyon hindi na nilang magbigay ng pera at sinisigurado natin na protected ang negosyante sa Dagupan. Walang kurapsyon, walang kutong,” giit nito.

Isa rin sa dahilan ng pagtaas ng kita sa lungsod ang pagkakaroon ng Investment and Development Board at ang pagdami ng namumuhunan at nagsitayuang mga gusali sa lungsod ay senyales ng magandang ekonomiya.

Target naman ni Mayor Fernandez na aabot sa P2B ang kita ng lungsod sa susunod na anim na taon o bago matapos ang kaniyang ikatlong termino, kaya ang hiling niya na suportahan siya, ang kaniyang vice mayor at mga konshel sa darating na midterm election 2025, para mapabilis ang paghahatid ng unli-serbisyo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble