INALERTO ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga lokal na pamahalaan sa tatlong rehiyon sa bansa, tulad ng Central Luzon, Eastern Visayas at Bicol Region.
Ayon kay PAGASA Hydrologist Edgar dela Cruz, posibleng makaranas ng pagbaha ang mga ito dahil sa lumalakas na epekto dala ng Bagyong Karding sa bansa.
Base sa General Flood Advisories ng ahensya, posibleng maapektuhan ang ilang lugar sa Central Luzon gaya ng Bataan, Zambales at Aurora.
Gayundin ang sa Eastern Visayas, kabilang ang Northern Samar, Eastern Samar, Leyte, Samar, Southern Leyte at Biliran.
Habang sa Camarines Sur, Sorsogon, Catanduanes, Masbate, Camarines Sur at Albay sa Bicol Region.
Pinaalalahanan naman ng PAGASA ang publiko na maging alerto at ugaliing nakaantabay sa mga susunod pa na General Flood Advisories ng ahensya.