PAGASA wala pang na-monitor na bagyo ngayong buwan

PAGASA wala pang na-monitor na bagyo ngayong buwan

WALANG inaasahang bagyo ang bansa mula Disyembre 12-14.

Ito’y kahit sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng mayroong isa o dalawang tropical cyclones na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong buwan.

Sinabi ng PAGASA na posibleng may mabuong sama ng panahon sa silangang bahagi ng PAR malapit sa Mindanao.

Ayon sa state weather bureau, maaaring pumasok ito sa bansa at kung matuloy ay papangalanan itong Bagyong Querubin.

Sa ngayon, sinabi ng PAGASA na kahit walang bagyo ay tatlong weather systems ang magiging sanhi ng mga pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ipinaalala na rin nila sa publiko na maging mapagmatyag sa mga pagbaha at landslides.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter