Pagbaba ng presyo ng sibuyas, hindi pa agad madama sa Jan. 2023 –SINAG

Pagbaba ng presyo ng sibuyas, hindi pa agad madama sa Jan. 2023 –SINAG

HINDI pa madadama sa unang linggo ng January 2023 ang pagbaba ng presyo ng mga sibuyas.

Kahit pa magkakaroon na ng anihan ng mga ito ayon kay
Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) President Rosendo So sa panayam ng SMNI News.

Matatandaang sinabi ng Department of Agriculture (DA) na bababa ang presyo ng sibuyas pagkatapos ng holiday season.

Ayon kay Rex Estoperez, ang Deputy Spokesperson ng DA, nagsisimula na ang anihan ng mga magsasakang nagtatanim ng sibuyas sa Tarlac at Pangasinan.

Pagkatapos naman ng ilang buwan ay mag-aani na rin ang Mindoro ng kanilang mga pananim na sibuyas.

Nagtatanim na rin ngayon ng sibuyas ang mga magsasaka sa Nueva Ecija.

Samantala, mas pabor si So na ang mga inaangkat na asukal ang ibebenta para sa mga Pilipino kumpara sa ito ang suplay na ipapagamit sa mga pabrika gaya ng confectionaries. pagbaba ng presyo

Sa ganitong paraan, mapapababa na ang presyo ng asukal.

Follow SMNI NEWS in Twitter