UMAARANGKADA na ngayong-araw ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga batang may edad 12 hanggang 17-anyos na may comorbidity.
Sa pangunguna nina Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., Health Secretary Francisco Duque III, at Sen. Sherwin Gatchalian, isinagawa ang ceremonial vaccination sa National Children’s Hospital (NCH).
Nasa 12 minors naman na may comorbidities ang unang makakatanggap ng COVID-19 vaccine sa Philippine General Hospital (PGH) ngayong-araw.
Habang simula sa susunod na linggo, nasa 60 pasyente kada araw ang babakunahan sa naturang ospital.
Nasa 50 hanggang 100 na mga kabataan naman ang babakunahan laban na may comorbidity sa COVID-19 sa Pasig City General Hospital.
Isinasagawa ang pilot vaccination sa mga minor sa walong ospital sa Metro Manila.