Senator Sherwin Gatchalian, tatakbo bilang re-electionist sa 2022

Senator Sherwin Gatchalian, tatakbo bilang re-electionist sa 2022

TATAKBO bilang re-electionist sa 2022 si Senator Sherwin Gatchalian sa pagka senador.

Naniniwala si Sen. Gatchalian na mas kailangan siya sa senado kaya tatakbo itong muli sa pagka senador sa 2022.

Ayon kay Gatchalian, tatakbo siyang muli lalong lalo na sa panahon ngayon dahil malaki ang paniniwala niya na mas kailangan siya sa senado.

Ito’y para isulong umano ang marami pang mga batas tungo sa pagbangon mula sa COVID-19 pandemic.

Nauna nang sinabi ni Gatchalian na tatakbo sya bilang Vice president kung magiging running mate nya si Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Si Mayor Inday nga lang ay nakapaghain na ng kanyang kandidatura bilang re-electionist ng Davao City.

Sa kabila nito, malakas parin ang panawagan ng mga tao na tumakbo ang Presidential daughter.

SMNI NEWS