Pagbabalik ng Naga-Ligao trip ng PNR, umarangkada na simula ngayong araw

Pagbabalik ng Naga-Ligao trip ng PNR, umarangkada na simula ngayong araw

UMARANGKADA na simula ngayong araw ang pagbabalik ng biyahe ng rutang Naga-Ligao ng Philippine National Railways (PNR).

Dalawang biyahe ng tren kada araw ang nakatakda rito.

Ang unang biyahe ay sa ganap na alas 5:30 ng umaga na tutungo mula Ligao hanggang Naga.

Habang alas 5:30 ng hapon naman ang ikalawang biyahe mula Naga pabalik ng Ligao.

Ayon sa pamunuan ng PNR, dadagdagan ang biyahe ng tren kung sakaling dumami ang pasahero sa Camarines Sur at Albay.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa pamasahe sa bagong bukas na biyahe, bumisita sa opisyal na Facebook account ng PNR.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter