NAKATAKDANG buksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ilang ruta para sa mga pasahero na maapektuhan ng tigil-operasyon ng Philippine National Railway (PNR).
Pinaghahandaan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbubukas ng 3 ruta para sa mga pasahero na maapektuhan ng pansamantalang tigil-operasyon ng Philippine National Railways (PNR).
Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 2023-020 nasa 3 ruta ang bubuksan kabilang na ang FTI-Divisoria via East Service Road at Alabang (Starmall)-Divisoria via South Luzon Expressway (SLEX) at Malabon-Divisoria.
Mga rutang bubuksan ng LTFRB
- FTI-Divisoria via East Service Road
- Alabang (Starmall)-Divisoria via South Luzon Expressway (SLEX)
- Malabon-Divisoria
SOURCE: LTFRB
Inaasahang aabot sa 30,000 ang maapektuhan dahil sa 5 taon na konstruksiyon nito.
Ang hakbang na ito ng LTFRB ay kasunod sa nakatakdang pagpatatayo ng North-South Commuter Railway (NSCR) na may habang 147 kilometro na magdurugtong sa Metro Manila-Pampanga at Metro Manila-Laguna.
“The effect of the closure of these select PNR stations on commuters will be quite substantial so through these PUV routes, we hope to lessen the impact of the closure,” saad ni Chairman Teofilo Guadiz
LTFRB.
Sa kabuuan, nasa 60 units ng bus at jeep ang bibiyahe sa nabanggit na mga ruta at posibleng mabago depende sa dami ng pasahero.
Rehistrado lamang na mga pampublikong sasakyan ang papayagang bumiyahe sa mga bubuksang ruta.
Bukod dito, kinakailangan na pumasada ang sasakyan gamit ang special permit na may bisa sa loob ng 1 taon at maaaring i-renew kada taon o hanggang sa ganap nang maging bukas sa publiko ang operasyon ng NSCR.
Ipatutupad din sa mga bubuksang ruta ang umiiral na pasahe para sa mga pampublikong bus na inaprubahan ng LTFRB Board.
“We appreciate the help of the PNR in identifying the routes, and we know that once the NSCR is completed, its benefits would be truly worth it in terms of passenger mobility along our railways, which is regarded as one of the most convenient and affordable modes of public transportation in the country,” ani Guadiz.