SUPORTADO ng Department of Justice (DOJ) ang desisyon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na ipagbawal sa mga pangunahing kalsada ang mga electric vehicles tulad ng mga e-trike.
Nilinaw ni Justice Undersecretary Margarita Gutierrez na tama ang desisyon ng MMDA na huwag payagan gumamit ng mga major roads ang e-trikes dahil mapanganib para sa mga pasahero at driver kung makikipagsabayan sila sa malalaking mga sasakyan.
Iginiit pa ni Gutierrez na hindi lang sa Metro Manila dapat ipagbawal ang e-trikes at mas maisama aniya kung ipagbawal na ito sa mga major roads sa mga probinsya.
Magugunitang nitong nakaraang linggo ay nagdesisyon ang MMDA at Land Transportation Office na pagbawalang bumagtas ang mga electric vehicle sa major roads dahil hindi ito ligtas sa mga sakay nito.
Hindi rin anila nakarehistro sa Land Transportation Office (LTO) ang mga sasakyan na ito at walang driver’s license ang karamihan sa mga nagmamaneho.