Pagbasura sa ikatlong drug case ni De Lima, ‘grave error’—Atty. Panelo

Pagbasura sa ikatlong drug case ni De Lima, ‘grave error’—Atty. Panelo

ISANG “grave error” ang pagkaka-dismiss ng ikatlo at huling drug case ni dating Sen. Leila de Lima.

Ayon ito kay dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo.

Sa isang pahayag, ikinonsidera ng korte ani Panelo ang recantation o pagbaliktad ng mga testimonya laban kay De Lima.

Ito’y kahit wala namang natanggap na ebidensiya ang korte na binantaan, pini-pressure o pinilit ang mga witness na gawin ang kanilang mga testimonya.

Sa huli, binigyang diin ng butihing abogado, credible ang mga ebidensiya laban kay De Lima kung kaya’t nararapat na mahatulan ito.

Maliban pa kay De Lima, kasama pa sa na-cleared ay sina dating Bureau of Corrections Director Franklin Bucayu, dating bodyguard ni De Lima na si Ronnie Dayan, Joenel Sanchez, at Jad Dera.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble