IPINANAWAGAN ngayon ng dating CPP-NPA-NDF leader na si Jeffrey ‘Ka Eric’ Celis sa mga malalaking kumpanya sa bansa na dapat nang tuldukan ng mga ito ang pagsuporta sa ginagawang pangingikil ng CPP-NPA-NDF sa kanila.
Ito ang sinabi ng dating lider ng CPP-NPA na si Jeffrey “Ka Eric” Celis sa programang Laban Kasama ang Bayan ngayong araw kaugnay sa pagkamatay ng founder ng CPP-NPA-NDF na si Jose Maria Sison o mas kilala sa tawag na Joma Sison.
Ayon kay Ka Eric, dapat nang tuldukan ng mga malalaking kumpanya ang kanilang pag suporta sa extortion activity na ginagawa ng CPP-NPA-NDF at tulungan na lamang ang pwersa ng estado para sa tuluyang pagbagsak ng Partido Komunista ng Pilipinas sa bansa.
Para naman kay Dr. Lorraine Badoy, dating tagapagsalita ng NTF-ELCAC, kung nais ng mga nabanggit na kumpanya na tapusin ang pangingikil ng CPP-NPA-NDF sa kanila at magkaroon ng maayos na negosyo, ay dapat suportahan na lang aniya ng mga naturang kumpanya ang Barangay Development Program (BDP) ng NTF-ELCAC na subok nang naging sagot sa matagal nang problema laban sa insurhensiya.