Pagbibigay ng proteksiyon sa pamilya ng mga suspek sa Degamo case, ikinukunsidera ng DOJ

Pagbibigay ng proteksiyon sa pamilya ng mga suspek sa Degamo case, ikinukunsidera ng DOJ

MAAARING mabigyan ng proteksiyon ang pamilya ng mga suspek na pumaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ito ay kasunod ng pagsasabi ng suspek na hawak ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI), na si Negros Representative Arnolfo Teves, Jr. ang nagbigay ng utos para patayin si Degamo.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, makakatulong ang mga testimonya ng mga suspek para sa ikalulutas ng kaso.

Aniya pa, ikinukunsidera ang pagbibigay ng proteksiyon sa mga pamilya ng suspek sa ilalim ng witness protection program basta’t tiyakin ng mga ito na magsasabi sila ng buong katotohanan sa nagawa nilang krimen.

Samantala, naniniwala naman si Remulla na may conspiracy sa nangyaring pamamaslang sa gobernador.

Saad ni Remulla nasa 3 – 4 na tao ang nakikita nilang nagplano para patayin si Degamo.

Matatandaan na maliban kay Degamo, 8 ang patay na sibilyan at nasa 16 ang sugatan sa nangyaring  pamamaslang.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter