HINDI pabor ang Philippine National Police (PNP) na isailalim sa state of emergency ang lalawigan ng Negros Oriental.
Kasunod ito ng ginawang assassination kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr., na kaya pa naman ng kanilang puwersa na kontrolin ang sitwasyon sa probinsiya kasabay ng pagkakaaresto sa mga suspek sa nasabing pamamaslang.
Malayo rin ani Azurin ang sitwasyon ng Negros Oriental sa nangyari noon sa Maguindanao Massacre, kung kayat kailangang idineklara ang state of emergency.
