Pagbibitiw ni SRA Administrator Alba, tinanggap na ni Pangulong Marcos

Pagbibitiw ni SRA Administrator Alba, tinanggap na ni Pangulong Marcos

KINUMPIRMA ng Malakanyang na naghain ng kaniyang resignation bilang administrator ng Sugar Regulatory Administration (SRA) si David John Thaddeus Alba.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), tinanggap na ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at base sa direktiba nito, magiging epektibo ang pagbibitiw ni Alba sa Abril 15 upang ihanda ang appointment ng kaniyang papalit.

Bago nito, ibinahagi ng PCO na bumisita si Alba kay Executive Secretary Lucas Bersamin noong Miyerkules upang ipaalam ang kaniyang desisyon na magbitiw.

Hinikayat ni Bersamin si Alba na huwag mag-resign, subalit ikinatuwiran nito ang kaniyang lumalalang kondisyon sa kalusugan.

Una na ring sinabi ni SRA board member Pablo Luis Azcona na nagbitiw na sa puwesto si Alba bilang SRA administrator at nilinaw na walang kinalaman ang resignation nito sa panibagong issue ng pag-aangkat ng asukal.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter