NANINIWALA ang mga eksperto na ang pagbisita ni Thailand Prime Minister Prayuth Chan o Cha sa Saudi Arabia ay isang major breakthrough para muling maibalik ang diplomatikong relasyon ng dalawang bansa.
Inaasahang mapapalakas din ang ugnayang pang-ekonomiya, lalo na sa pamamagitan ng pagpapadala muli ng manggagawa sa Saudi Arabia.
Si Prime Minister Prayuth ay nasa Saudi Arabia ngayon para sa isang opisyal na dalawang araw na pagbisita na magtatapos bukas upang palakasin ang relasyon ng dalawang bansa.
Si Gen Prayut ay inimbitahan ni Royal Highness Prince Mohammad bin Salman, ang Deputy Prime Minister din ng Saudi Arabia at ministro ng depensa.
Samantala, ito ang unang opisyal na pagbisita ng gobyerno sa loob ng 30 taon.