Pagdalo ni PBBM sa UNGA 77 mahalaga – DFA

Pagdalo ni PBBM sa UNGA 77 mahalaga – DFA

NANINIWALA ang Department of Foreign Affairs (DFA) na mahalaga ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa UN General Assembly (UNGA) 77 kung saan dadaluhan ito ng nasa 152 na mga heads of state and government.

Ayon sa DFA, magkakaroon ng pagkakataon si Pangulong Marcos upang makausap ang ilan sa mga world leaders kabilang na ang ilang mahahalagang opisyal ng United Nations.

 “The President’s participation in the opening of the UNGA 77 is important because it marks his first engagement with the United Nations which the Philippines recognizes as the world’s most important multilateral organization,” ayon kay Asec. Kira Danganan-Azucena, Head | United Nations and International Organization, DFA.

“In the UN’s program of activities, the high-level general debate is the most important event politically because this is where world leaders articulate policy statements on world affairs and international relations. It is extensively covered by global media and monitored by policy analysts, governments, academics and CSOs,” dagdag pa ni Asec. Danganan-Azucena.

Itinuturing na pinakamahalagang political event ng UNGA 77 ang high level general debate dahil dito magpapasiklaban ang mga world leaders ng kanilang mga posisyon kaugnay sa world affairs at international relations.

Sinabi rin ng DFA na nakatutok si Pangulong Marcos sa ekonomiya ng bansa at gagamitin niya ang working visit sa Amerika upang makakuha ng mga investment at iba pang oportunidad na makatutulong sa Pilipinas.

 “The President has made it very clear from the initial discussions preparatory to this trip to New York that it will be more than his debut on the world stage. He gave unequivocal instructions that his meetings, whether with fellow world leaders or with us corporations, should focus on finding the necessary partnerships or synergies that will benefit the Philippine economy and the Filipino people,” saad ni Asec. Jose Victor Chan-Gonzaga- Head | Office of American Affairs, DFA.

Dahil dito magkakaroon ng economic briefing ang Pangulong Marcos sa New York kung saan inaasahang dadaluhan ng mga institutional investors, senior corporate executives, business analysts, academic think tanks at entrepreneurs.

Sa pagpupulong na ito inaasahang ipapakita ng Marcos administration ang economic priorities nito partikular na kung papaano mapalalakas ang Philippines-US trade and investment relations.

Ang mga economic managers ng Marcos administration ay magsasalita sa economic briefing upang makapanghikayat ng mga investor sa bansa na dadaluhan din ng ilang Philippine private sector leaders.

Magkakaroon din ang Pangulong Marcos ng CEO roundtables kung saan dito ipakikilala ang Pilipinas bilang important emerging economy at investment destination ng Asya.

Isang one-on-one business meetings din ang gagawin ni Pangulong Marcos na nakasentro para sa mabilis na pagbangon ng Pilipinas mula sa pandemya at ang long term resilience ng ekonomiya ng bansa.

Inilalatag na rin ang pagpupulong ni Pangulong Marcos sa ilang kumpanya sa Amerika na makatutulong para sa food security, energy security at sustainable economic development.

Hindi rin palalampasin ni Pangulong Marcos ang makipagpulong sa US Chamber of Commerce, US-ASEAN Business Council, US-Philippine Society na makatutulong sa mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan para mapalakas ang ekonomiya ng bansa at mapalalim ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Samantala, pinaplantsa pa ng Embahada ng Pilipinas dito sa Amerika ang posibleng pagpupulong sa pagitan nina Pangulong Marcos at US President Joe Biden.

Follow SMNI NEWS in Twitter