Pagdinig para sa pagtalakay ng Maritime Zone Bill, sisimulan na sa Senado—Sen. Tolentino

Pagdinig para sa pagtalakay ng Maritime Zone Bill, sisimulan na sa Senado—Sen. Tolentino

ISANG special committee hinggil sa Maritime Zones and Admiralty ang binuo ng Senado para matutukan na ang isyu at usapin sa teritoryo ng bansa.

Ang itinalagang chairman ng Komite ay si Senator Francis Tolentino.

Ayon kay Tolentino, sisimulan na ng Senado ang pampublikong pagdinig sa pagtatakda ng hangganan ng mga teritoryo ng bansa o Maritime Zone Bill sa Setyembre 14.

Saad ng senador, long overdue o matagal na dapat itong ginawa ng bansa.

Diin ng senador, mahalagang matukoy at maideklara na ng bansa ang maritime zones nito kasama na ang mga isla.

Ang meron lamang tayo ngayon ayon sa senador ay ang Baseline Law at hindi pa kasama rito ang mas malawak pang katubigan ng bansa kabilang na ang Continental Shelf kung saan naroroon ang Benham o Philippine Rise at Exclusive Economic Zone ng bansa.

Dapat na rin aniya magkaroon ng maritime zone gaya ng maraming bansa na lumagda sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Sa ngayon nasa 152 bansa na ang nagkapagbuo ng kanilang maritime zones.

Ang Pilipinas wala pa rin.

10-dash line ng China sa WPS, binatikos ng DOJ

Samantala, tinawag ni Department of Justice (DOJ) Sec. Jesus Crispin Remulla na mali ang pagpapalabas ng China ng 10-dash line sa West Philippine Sea (WPS).

Giit ng kalihim, dapat respetuhin ng China ang naging ruling ng UNCLOS sa usapin sa WPS bilang miyembro nito.

Ayon kay Remulla, may ginagawa na silang hakbang laban dito na hindi pa maaaring ipaalam sa publiko.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble