Pagdinig sa iba’t ibang paglabag sa Immigration Law ni Shiela Guo, isinagawa ng Board of Inquiry

Pagdinig sa iba’t ibang paglabag sa Immigration Law ni Shiela Guo, isinagawa ng Board of Inquiry

MAKALIPAS ang mahigit dalawang dekada, muling nagsagawa ang Bureau of Immigration Board of Special Inquiry (BSI) ng pagdinig.

Ito ay may kinalaman sa deportation case order kay Shiela Guo na inilabas ng Legal Division noong Setyembre 10, 2024.

Matatandaan na nahaharap sa kasong deportation for misrepresentation ang kapatid ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na si Shiela.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), ito ay dahil sa pagpapanggap ni Shiela na isang Pilipino kahit na isa pala itong Chinese national.

Sinabi ni Board of Inquiry Chairman Atty. Gilbert Repizo, ang kanilang timetable ay umaabot ng tatlong araw para makuha ang mga dokumento at pitong araw para sa pagsusumite nito.

“Magsu-submit sila ng simultaneous memorandum, magru-ruling kami pero ang ruling namin, bagamat hindi kontrolado ng board of commissioner, independent kami but it will be the commissioner who will make a final ruling,” pahayag ni Atty. Gilbert Repizo, Chairman, BSI, Bureau of Immigration.

Gayunpaman, ayaw nilang pangunahan ang desisyon ng Board of Commissioner kung kailan ang deportasyon ni Guo.

“Hindi siya ide-deport hanggang mayroon balido at nakabinbin na mga usapin,” wika ni Atty. Gilbert Repizo, Chairman BSI, Bureau of Immigration.

Sabi rin ng opisyal, hindi lamang si Guo ang may ganitong kaso.
Nabatid na nasa 1,800 and counting ang bilang ng mga pekeng Pilipino na ngayon ay isa na rin sa tinututukan ng kanilang opisina.

Gagawa sila ng device mechanism procedure kung paano ito mapabilis para mapaigting ang national security ng bansa sa partisipasyon ng BI na walang itinatanggi.

“But what is good thing about this? Is that will serve a strong signal sa lahat ng mga peke, sa lahat ng mga nagwawalang-hiya sa lahat ng mga nagloloko na ‘di man kayo makaligtas ngayon but sooner or later the long arm of the law, will reach you, mananagot kayo,” dagdag ni Repizo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble