Paggamit ng AI image generators, ipinagbabawal sa mga tauhan ng DND at AFP

Paggamit ng AI image generators, ipinagbabawal sa mga tauhan ng DND at AFP

IPINAGBABAWAL sa mga tauhan ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paggamit ng artificial intelligence (AI) image generator apps.

Ito ay kasunod ng inilabas na memorandum ni Defense Secretary Gilberto Teodoro, Jr. kung saan ipinaliwanag nito ang banta na maaaring idulot ng AI image generators.

Ayon kay Teodoro, ang nauusong digital application gamit ang AI ay mayroong dalang privacy at security risks.

Maaari aniya itong magamit sa paggawa ng pekeng profile na posibleng magresulta sa identity theft, social engineering, phishing attacks, at iba pang malicious activities.

Pinayuhan ni Teodoro ang lahat ng tauhan ng DND at AFP na maging maingat sa pagbabahagi ng impormasyon sa online at sundin ang mga umiiral na polisiya ng kagawaran.

Follow SMNI NEWS on Twitter