Paggamit ng Baricitinib pinag-aaralan bilang alternatibong gamot kontra COVID-19

Paggamit ng Baricitinib pinag-aaralan bilang alternatibong gamot kontra COVID-19

PINAG-AARALAN ngayon ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng Baricitinib bilang alternatibong gamot, dahil sa kakulangan ng suplay ng gamot na Tocilizumab kontra COVID-19.

Ayon pa kay Health Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega, nakikipag-usap na sila sa mga distributor hinggil sa posibilidad na dagdagan pa ang suplay ng Baricitinib.

Ani Vega, ang Baricitinib ay isang anti-inflammatory drug na ginagamit sa paggamot ng rheumatoid arthritis gaya ng gamot na Tocilizumab.

Una nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na malaking hamon ngayon sa DOH ang pagkuha ng suplay ng Tocilizumab mula pa sa Sweden.

Ngunit umaasa naman si Vergeire na maaaring dumating ang suplay ng Tocilizumab sa ika-tatlo o ika-apat na linggo ng Setyembre.

 

SMNI NEWS