Paggamit ng Pfizer at Moderna bilang Omicron booster shot, aprubado na sa Japan

Paggamit ng Pfizer at Moderna bilang Omicron booster shot, aprubado na sa Japan

INAPRUBAHAN na ng Health Ministry ng Japan ang paggamit ng Pfizer at Moderna bilang booster shot na panglaban sa Omicron variant.

Pahayag ng ahensya, ang Pfizer Omicron booster shot ay maaari nang iturok sa mga batang edad 12 pababa habang ang Moderna naman ay sa mga may edad 18 pataas.

Sa isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik, mabisang panlaban ang dalawang bakuna at kaya nitong pahinain ang virus sa katawan ng tao.

Patuloy naman sa pagdevelop ng mga bagong bakuna ang mga kumpanyang Pfizer Inc. at Moderna Inc. bilang panlaban sa bagong variant.

Samantala, maliban sa Japan, inaprubahan din ng Estados Unidos, Astralia at UK ang paggamit sa nasabing mga bakuna.

Follow SMNI News on Twitter