King Charles III, nangakong itataguyod ang marangal na tungkulin ni Queen Elizabeth II

King Charles III, nangakong itataguyod ang marangal na tungkulin ni Queen Elizabeth II

HUMARAP sa parliamento si King Charles III at nangakong susundin ang selfless duty ni Queen Elizabeth sa kanyang unang talumpati bilang Head of State ng United Kingdom.

Naging busy ang unang araw ng panunungkulan ng bagong hari na nagkaroon ng four-nation tour sa United Kingdom.

Ang seremonya ay ginanap sa hammer beam roof ng Westminster Hall, ito ay isang importanteng seremonya na nagpapatibay sa relasyon ng gobyerno at ng monarkiya.

Nasa 900 miyembro ng parliamento at miyembro ng House of Lords ang dumalo at nanood sa talumpati.

 “As I stand before you today, I cannot help but feel the weight of history which surrounds us and which reminds us of the vital parliamentary traditions….” “…parliament is the living and breathing instrument of our democracy” pahayag ni King Charles III.

Gaya ng maraming tao na inaalala ang Reyna, pinuri ng bagong hari ang kanyang dedikasyon sa tungkulin at nangako na susundan ang yapak nito sa kanyang makakaya.

Sa seremonya na ginanap sa parehas na lugar kung saan ihihimlay ang labi ng Reyna sa state funeral ngayong linggo, nagpaabot ng pakikiramay ang parliamento sa hari na sinamahan naman ni Queen Consort Camilla.

Matapos ang seremonya, nagbiyahe na ang hari at queen consort sa Edinburgh, ang syudad kung saan kasalukuyang nakahimlay ang labi ng Reyna mula pa noong Linggo.

Follow SMNI NEWS in Twitter