PINAG-aaralan ngayon ng pamahalaan ang paggamit ng QR code bilang pambayad sa mga binibili sa palengke maging sa pamasahe sa tricycle.
Sa isinagawang pagpupulong, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na tungo ito sa hangaring cashless payment ng bansa.
Magiging katuwang dito ng pamahalaan ang Land Bank of the Philippines.
Matatandaan, noong taong 2022 ay inilunsad na ito ng pamahalaan sa mga piling palengke ng bansa.