Paggamit ng social media, muling ibinabala ng PNP

Paggamit ng social media, muling ibinabala ng PNP

MULING nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko hinggil sa paggamit ng social media.

Partikular na ang pag-post at pag-share ng mga impormasyon dito.

Matatandaan na umabot sa 143 indibidwal ang naaresto ng PNP Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ngayong taon kung saan ilan sa mga ito ay mga sikat na vlogger.

Binigyang-diin ni PNP-ACG Director Major General Sidney Hernia na kailangang maging responsable ang netizens sa paggamit ng social media dahil sa legal consequences na kaakibat nito.

Mas mainam aniya na gamitin ang social media para makapag-contribute ng positibong kultura sa online, pag-isipang mabuti bago mag-post at respetuhin ang privacy ng iba.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble