Paggunita ng Holy Week pangkalahatang mapayapa—PNP

Paggunita ng Holy Week pangkalahatang mapayapa—PNP

GENERALLY peaceful ang naging paggunita ng mga debotong Pinoy sa Semana Santa ngayong taon.

Kinumpirma mismo ng Philippine National Police (PNP) ang maayos at tahimik na pagtatapos ng isang linggong pag-aayuno na mayorya ng mga Pilipino.

Sa kabila ng mapayapang paggunita, nakapagtala pa rin ang PNP ng 31 kaso ng pagkalunod kaugnay ng nasabing okasyon.

Giit ni PNP Public Information Office Chief, PCol. Randulf Tuaño, mas mababa pa rin ang nasabing bilang kumpara sa 43 kaso ng pagkalunod na naitala noong nakaraang taon.

Batay sa datos ng PNP, mula sa 31 kaso ng pagkalunod nitong Semana Santa, 19 ang pawang mga adult habang 12 ay mga menor de edad.

Dagdag pa ni Tuaño, 26 sa mga ito ang nasawi, 3 ang naisugod sa pagamutan, habang 2 ang agad na nasagip.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble