Paghina ng piso, salamin ng namumuno sa bansa─ekonomista

Paghina ng piso, salamin ng namumuno sa bansa─ekonomista

INIULAT kamakailan ng Maybank research na posibleng umabot sa animnapu ang palitan ng piso kontra dolyar ngayong ikatlong bahagi ng taon.

Kasunod ito ng patuloy na pagdausdos ng halaga ng piso.

Sa kasalukuyan, naglalaro sa higit 58 pesos ang palitan ng piso kontra dolyar.

Ayon Dr. Michael Batu, isang ekonomista, ang patuloy na pag-angkat ng bansa ang isa sa mga dahilan kung bakit humihina ang halaga ng piso.

May masamang epekto naman aniya ang paghina ng piso sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Sa pagmahal nga ng mga pangunahing pangangailangan ay lalong nahihirapan sa araw-araw na pamumuhay ang bawat Pilipino.

Nasasalamin din aniya sa pamamalakad ng lider ng bansa ang paghina ng piso.

Dahil naman sa walang-humpay na pagtaas ng cost of living sa bansa ay hindi ramdam ng maraming Pilipino ang pagbuti ng kanilang pamumuhay sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon pa kay Batu, nanghihinayang sya sa mga biyahe ni PBBM sa iba’t ibang bansa dahil hindi ito nagreresulta ng maraming investment kundi puro pledges o pangako lang.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble