NILINAW ni Atty. Harry Roque na suportado niya ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na hindi kailangan ang pagkakaroon ng Charter change (Cha-cha).
Ipinunto ni Roque na mas importante ang mapasigla ang ekonomiya sa ngayon.
Sa huling update, pasado na sa third at final reading sa Kamara ang pagpapatupad ng Consitutional convention (Con-con) para maging daan sa pagkakaroon ng Charter change.
Sa Senado naman ay hindi pa ito gumugulong.
Binigyang-diin din ni Roque na kapag nag-Charter change ay magkakahati-hati na naman ang bansa.