PINURI ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang justice system ng Pilipinas dahil sa pagkakataon na ibinigay kay Dr. Lorraine Badoy para humarap sa Korte Suprema at ipaliwanag ang kanyang pahayag laban kay Judge Marlo Malagar.
“Yan maganda kasi makakasagot si Dr. Lorraine, madali naman ‘yan eh, i-explain mo lang sarili mo bakit mo nasabi ‘yun. Kasi hindi ko pa napakinggan ‘yung sinabi niya pero sa sinabi lang sa akin, at the surface kung makikinig ka kung wala kang analytical mind kaagad-agad diretso ka, para ngang nagte-threat siya, pero hindi.”
Matatandaan na nagpalabas ang Korte Suprema kamakailan ng show-cause order laban kay dating National Task-Force To End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson Lorraine Badoy, ito ay upang pagpaliwanagin siya kung bakit hindi ito dapat ma-cite for contempt dahil sa kanyang naging pahayag laban kay Manila Regional Trial Court Branch 19 Judge Marlo Magdoza-Malagar.
30 araw ang binigay kay Dr. Badoy upang magpaliwanag.
Sa kabila nito nananatiling matatag at naninindigan ang dating tagapagsalita ng NTF-ELCAC sa isyung ito.
“Halimbawa ‘yung sinabi niya, i-explain niya ito ‘yung ibig kong sabihin dun kasi ang sinabi mo may intention eh. Ano ang intention mo? Talaga bang saktan mo siya, patayin mo siya? ‘Yun ba yung intention mo? Hindi naman ‘yun yung intention niya, nagbibigay siya ng halimbawa sa decision ding ginawa nitong judge na ‘to, na pumapatay pero ganito lang pala. Sa nakuha ko, kung ikaw papatayin ko ikaw din ang mag judge, ganito rin ang maging hukom mo. oh di ba? ‘Wag mong akusahan, ang ibig sabihin sa nakita ko, ‘wag mo akong akusahan ng murder, kasi hindi naman murder ’yun, kaya kahit pinatay na kita murder talaga, hindi naman murder ‘yun. Sa iyong decision according sayo,” pahayag ni Pastor Apollo.
Pinuri din ni Pastor Apollo ang justice system ng Pilipinas sa pagbibigay nito ng panahon kay Dr. Lorraine Badoy na maipaliwanag ang kanyang pahayag laban kay Judge Marlo Malagar.
“Ang ganda ng justice system natin noh? 30 days pa ang ibigay sayo para, sa ibang bansa huli ka na niyan, posas ka na, kalaboso ka na, hindi mo pa alam kung anong kaso mo,” ayon sa butihing Pastor.
Nilinaw ng butihing Pastor ang kahalagahan ng hakbang na ito ng Supreme Court sapagkat mabibigyan ng pagkakataon ang inosente na maipaliwanag ang kanyang sarili sa harap ng korte, hindi kagaya ng ibang mga bansa na mayroong mga indibidwal na nakukulong agad kahit wala namang kasalanan.
“Pag inakusahan ka innuendo lang, gossip lang posas kaagad. Tapos human rights daw ‘yun. Dito maganda. You are innocent until proven otherwise, ‘yung doon hindi, you are guilty until proven otherwise, baliktad. Kaya marami. Kung ganun ang style ng hustisya, injustice ‘yun. Kung wala kang pera na bilanggo ka because of innuendo may nagsumbong lang sayo, napakaraming na bilanggo after 40 years pa nakalabas kasi walang pera, pero walang kasalanan. Justice ba ‘yun? Injustice ‘yun. Sa Pilipinas bilib ako,” pagtatapos ni Pastor Apollo.