NAPATAY sa isang engkwentro sa pagitan ng militar ang anak ng yumaong lider ng New People’s Army na si Jorge “Ka Oris” Madlos.
Sa panayam ng SMNI News kay 4ID spokesperson Major Francisco Garello, kinilala ng militar ang nasawing si Vincent Isagani Madlos at ang kanyang asawang si Angie Polandres Salinas matapos maganap ang sagupaan nito sa tropa ng 8th Infantry Battalion ng 403rd Infantry Brigade sa Barangay Kapitan Bayong, Impasug-ong noong Setyembre 3, dakong ala-una ng hapon.
“Nagkaroon po ng 15 minute firefight against undetermined number of Communists Group sa area po nun (Barangay Kapitan Bayong, Impasug-ong), in response po ito ng 8IB sa reported, information received from a concerned citizen. Mayroon pong armed group sa area nila. Hence, nag-launch po ng force lethal operation, a combat operation ang 8IB at intelligence unit po natin. After a minute firefight, the troops scattered the area and captured two rifles, including other war materials and personal belongings, including two cadavers o lifeless body later identified as Vincent Isagani Madlos, the son of late Top Communist Terrorist Leader Jorge Madlos and a certain Angie Polandres Salinas,” pahayag ni Garello.
Ayon sa impormasyon ng militar, ang mag-asawa ay kabilang sa mga wanted na nangungunang lider ng terorista sa Mindanao.
Si Madlos ay mayroong maraming warrant of arrest para sa mga krimeng ginawa sa iba’t ibang lugar sa rehiyon ng Caraga at malaking bahagi ng Northern Mindanao.
“Madlos and Salinas were among the wanted top terrorist leaders, member po sila ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-Central Committee. Head of the technical youth group si Madlos, itong si Vincent Madlos, si Salinas ay head ng National Communication Bureau ng National Operations Command,” ani Garello.
Nangako ang militar na hindi nila tatantanan ang operasyon laban sa mga natitira pang nangungunang lider ng komunistang teroristang grupo sa Northern Mindanao para tuluyan nang tapusin ang laban ng pamahalaan kontra insurhensiya.
“This will even lessen the morale, another setback na naman after the series of encounters natin with them, not only sa grupo dito sa area ng Northern Mindanao Region but doon din sa Caraga Region ay successful tayo. So, little by little, we are on the right track, little by little on the campaign natin is a fully realizing. Talagang bati natin ‘yung ating minimithi na peace and development dito sa ating area of responsibility,” ayon pa ni Garello.
Matatandaang, napatay ang ama nitong si Ka Oris Madlos sa pinagsamang operasyon sa bulubunduking lugar ng Sitio Gabunan, Barangay Dumalaguing, Impasugong, Bukidnon noong Oktubre 30, 2021.
BASAHIN: Mga indigenous people sa Bukidnon, ipinagbunyi ang pagkamatay ni Ka Oris