Pagkondena sa mga karahasan laban sa ilang government official hindi sapat; Dapat may makulong—VP Duterte

Pagkondena sa mga karahasan laban sa ilang government official hindi sapat; Dapat may makulong—VP Duterte

HINDI pinalagpas ni Vice President Sara Duterte ang pagkakataon na mailabas ang kanyang sentimyento sa mga nangyayaring pagpaslang at pag-ambush sa ilang halal na government official.

Sa kanyang talumpati sa National Election Summit nitong Huwebes ng hapon, ipinanawagan ni Vice President Duterte sa mga awtoridad ang agarang pagtugon sa mga karahasan laban sa mga inihalal na opisyal.

“Let me take this opportunity to raise the urgent need for our law enforcement authorities to address, to solve, to put an end to the alarming string of violence perpetrated against elected officials. This spate of violence leaves not only a trail of death but also establishes a chilling climate of fear among our people,” pahayag ni Vice President Sara Duterte.

Ayon pa sa pangalawang pangulo, na hindi sapat na kondenahin lamang ang mga nasabing karahasan.

Aniya dapat managot at makulong ang mga suspek.

 “It is not enough that we condemn these attacks. The time calls for prosecution. For the attackers, the killers, and the masterminds to be jailed,” dagdag ni VP Duterte.

Sa huli, hinikayat ni Vice President Duterte ang mga awtoridad at iba pang ahensiya ng gobyerno na gamitin ang lahat ng resources at gawin ang lahat upang matiyak na wala nang anumang karahasan ang mangyayari muli sa mga halal na opisyal, kanilang mga pamilya, kanilang mga tagasuporta, at kanilang mga kaalyado.

“Dapat po na may managot. Dapat may makulong. Dapat mahinto itong mga ganitong patayan,” aniya.

Follow SMNI NEWS in Twitter