Paglaban sa financial crimes at drug trafficking, tiniyak ng PNP

Paglaban sa financial crimes at drug trafficking, tiniyak ng PNP

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang pagtugon sa krimen sa rehiyon kabilang na ang financial crimes at drug trafficking.

Ito ay kasunod ng pulong ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. sa mga opisyal ng United Arab Emirates (UAE) sa pangunguna ni Lieutenant Colonel Dana Almarzooqi, Director General-International Affairs Bureau at Deputy Director ng INTERPOL NCB Abu Dhabi.

Nangyari ang pulong sa ikalawang araw ng 24th INTERPOL Asian Regional Conference sa Abu Dhabi, UAE.

Kasabay nito, binigyang-diin ni Azurin ang mahalagang papel ng PNP Directorate for Information and Communications Technology Management (DICTM) sa pagtugon sa kasalukuyang mga hamon sa ICT at pag-streamline ng mga kritikal na serbisyo sa komunidad.

Ayon kay Azurin, PNP DICTM ang tumutugon para maisakatuparan ang Secured, Mobile, Artificial Intelligence-driven, Real-time, Technology (S.M.A.R.T.) Policing habang PNP DIDM ang nangunguna sa pagsisiyasat sa mga transnational crimes.

Follow SMNI NEWS in Twitter