BUMAGAL ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas nitong unang quarter ng taong 2025.
Ito ay kung ikukumpara sa unang quarter ng taong 2024.
Sa datos na ibinahagi ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 5.4 percent lang ang paglago ng ekonomiya ng bansa ngayong taon.
Mas mabagal ito kumpara sa 5.9 percent noong unang quarter ng 2024.
Sa kabila nito, ang main contributors ng paglago ngayong unang quarter ng 2025 ay ang wholesale and retail; repair ng motor vehicles at motorcycles; financial at insurance activities; at manufacturing.