SINABI ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi ito kukuha ng mga poll watcher sa buong bansa para sa halalan.
Tugon ito ng poll body sa kumakalat na impormasyon na kumukuha sila ng watchers na may sahod na P4K.
Ipinaliwanag ng ahensiya, batay sa Article III ng COMELEC Resolution No. 11076, ang mga poll watcher ay pinipili ng mga kandidato sa eleksiyon, mga partidong politikal, o mga accredited na citizens’ arm at hindi nire-recruit ng poll body.
Nagbabala na ang COMELEC na ang pagpapakalat ng maling impormasyon kaugnay sa eleksiyon ay maituturing na paglabag sa halalan ayon sa Section 261 ng Omnibus Election Code.
