Paglalabas ng P12.259-B pondo para sa housing assistance sa Western Visayas, aprubado na ng DBM

Paglalabas ng P12.259-B pondo para sa housing assistance sa Western Visayas, aprubado na ng DBM

APRUBADO na ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalabas ng P12.259-B pondo para sa National Housing Authority (NHA).

Ito’y para sa housing assistance para sa mga biktima ng kalamidad sa Western Visayas at sa bayad sa resettlement ng mga informal settler sa rehiyon.

Mula sa naturang pondo, P12.059-B nito ay mapupunta sa housing assistance habang ang P200-M naman ay para sa itatayong low rise residential buildings na gagawing resettlement para sa mga informal settler.

Muli namang tiniyak ng DBM na nanatiling prayoridad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. pagbibigay ng disenteng tahanan para sa mga Pilipino lalo na ang mga matinding naapektuhan ng kalamidad.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter