INAPRUBAHAN na ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalabas sa P1-B Special Allotment Release Order (SARO) para sa mga biktima ng Marawi Siege.
Ayon sa DBM, nasa 362 biktima ang makatatanggap ng kompensasyon sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management Council Fund (NDRRMF) sa Fiscal Year 2023 General Appropriations Act.
Sa ilalim ng Special Provision No. 3 ng NDRRMF, ang mga benepisyaryo na makatanggap ng kompensasyon ay may-ari ng mga nasirang residential, cultural, commercial structures at iba pang ari-arian na nasa pinaka-apektadong lugar sa lungsod.
Kasama na rin dito ang mga may-ari ng mga pribadong ari-arian na na-demolished sa ipinatutupad na Marawi Recovery, Rehabilitation at Reconstruction Program at maging ang mga tagapagmana ng mga nasawi sa digmaan.